Posibleng palitan si Senadora Loren Legarda bilang isa sa mga vice chairperson ng Senate Finance Committee kung hindi siya makakabalik sa trabaho bago magsimula ang masinsinang deliberasyon para sa panukalang 2027 national budget.

Ayon kay Senate Finance Committee Chair Sen. JV Ejercito noong Martes, Setyembre 1, nakahanda silang gumawa ng hakbang sakaling hindi pa makabalik si Legarda, na kasalukuyang naka-extended medical leave.

Hindi pa rin nag-aanunsiyo si Legarda kung kailan siya makababalik sa kanyang mga tungkulin sa Senado.

Ayon kay Ejercito, nakatalaga kay Legarda ang pangangasiwa sa budget deliberations ng ilang ahensiya at tanggapan ng pamahalaan, kabilang ang mga may kinalaman sa kultura.

Kung hindi makakabalik si Legarda sa tamang panahon, sinabi ni Ejercito na maaaring ipamahagi sa iba pang vice chairperson ang mga ahensiyang nakatalaga sa senadora. 

 

Share.
Exit mobile version