Hindi umano titigil ang Philippine National Police (PNP) sa pagtugis at pag-aresto sa mga indibiduwal na sangkot sa mabibigat na krimen.
Ito ang inilabas na ulat ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) nitong Mayo 6, kasabay ang paghimok sa publiko na makiisa at agad magsumbong ng anumang impormasyon na makakatulong sa pagdakip sa mga most wanted na sina Charlie “Atong Ang” Tu Hay, Gerald Bantag, Elizaldy “Zaldy” Co, at Rafael Dumlao III.
Anang BPPO, ang bawat impormasyon ay mahalaga upang maihatid sa hustisya ang mga nagtatago sa batas sa pamamagitan ng PNP-CIDG Hotlines: 0960-692-3025 (Smart) at 0945-611-5926 (Globe).
Sinasabing dapat makialam, makipagtulungan, at makiisa ang publiko o ang netizen laban sa kriminalidad.
Kaugnay nito, kalat na ang mga larawan ng nasabing mga mabibigat na wanted dahil sa viral Facebook post ng mga istasyon ng pulisya sa lalawigang ito.
Trending
- 2 kelot nanugod na may kasamang pagbabanta sa isang bahay
- 2 sales agent hinoldap na, pinatay pa
- 12 katao, patay sa dengue sa Quezon City
- DOJ: Leviste, iba pa inireklamo ng DOE
- NBI dumepensa sa pekeng “marked money”
- NBI, mag-a-apply ng cyber warrant
- Larawan ng 4 ‘bigtime’ most wanted sa Bulacan
- ‘Killer’ ng 14 sundalo, arestado sa Quirino

