The friendship between Bea Alonzo and lan Veneracion somehow goes a long way.
Naging magkatambal sila sa ABS-CBN series na A Love To Last noong 2017.
Taong 2021 nang interbyuhin ni Bea si lan sa kanyang YouTube channel–where they touched on matters of the heart.
Nakunan ng reaksyon ng PEP si lan tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ni Bea sa negosyanteng si Vincent Co.
Ani lan: “I’m so happy for her. Super happy for her!”
Nabasa pa daw muna ni Ian ang tungkol doon sa socmed bago sila nagkita sa isang event.
Tinukso pa nga daw ni lan ang aktres na marami nang utang na kuwento ito sa kanya.
Dagdag ng aktor: “I know she wants that and she deserves all the happiness.”
Ang tagal na daw kasi ng “search” ni Bea sa paghahanap ng makakatuwang niya sa buhay: “l hope this is it!”
Any advice he can give Bea?
Aniya: “It’s the most beautiful thing but it’s also one of the hardest.
“Imagine from different backgrounds, from different families, so it’s hard work…but it’s super rewarding!”
Lalo daw mas magiging blessed ang pagsasama ng wouldbe married couple ‘pag dumating na ang kanilang mga supling: “Ayun, talagang boogsh! Wala na, iba na!”
Ang tanong–isa kaya si lan sa mga invited sa kasal?

Share.
Exit mobile version