Payo sa publiko na manatiling mapagmatyag laban sa mga petty crime gaya ng holdap, pang-aagaw ng gamit, salisi, pandurukot, at iba pang krimen sa lansangan habang papalapit ang panahon ng kapaskuhan upang mamili para sa nalalapit na Christmas season.

Inaasahang dadagsa sa mga shopping mall, flea market, terminal ng transportasyon, at iba pang lugar ang libu libong residente at mga bumibisita sa Metro Manila

Ayon kay NCRPO OIC Police Brigadier General Christopher Abrahano, ang pagdami ng mga tao sa isang lugar ay potential na target ng mga kriminal.

“As we welcome the Christmas season, we want everyone to enjoy the celebrations safely. However, we also remind the public that crowded places can be an opportunity for criminals to commit snatching, salisi, pickpocketing, hold-ups, and other petty crimes,” ani PBGen. Abrahano.

Binigyan diin ni NCRPO PBGen. Abrahano na pinalalakas pa ng NCRPO ang police visibility at patrol operations sa mga natukoy na lugar na inaasahang dadagsain ng mga tao.

“We are intensifying police visibility in malls, markets, transport hubs, commercial areas, and other places of convergence. Our personnel will be strategically deployed to deter criminal activities and provide immediate assistance when needed,” sabi ng heneral.

Inatasan din ni PBrig. Abrahano ang mga Police Commanders na makipag- ugnayan sa mga security personnel ng mga mall, market administrator, local government unit, at iba pang stakeholder upang higit na mabantayan ang kaligtasan at seguridad ng publiko.

Nagpaalala din si Abrahano na Iwasan ang pagsusuot ng mga mamahaling alahas, at iba pang mahahalagang gamit.

“We ask the public to remain alert and avoid displaying valuables unnecessarily. Keep your bags and personal belongings secured, be mindful of your surroundings, and do not easily trust strangers who may attempt to distract you,” saad ni PBGen. Abrahano.

Ipinaalala rin niya sa mga magulang at guardian na bantayang mabuti ang kanilang mga anak, lalo na sa mga mataong establisimyento at pampublikong lugar.

“If you see something suspicious or if you become a victim of a crime, report it immediately. Your timely report can help us respond faster, identify the perpetrators, and prevent similar incidents from happening to others,”sabi pa ni NCRPO director.(Gina Garcia)=

Share.