Sa gitna ng patuloy na oil price hike, may naisip na ambag ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara.
Aniya, “I’m going to do something to help the jeepney drivers as my homage to my lolo who used to be one in Bicol.”
Ang balak ni Kyline, pumunta sa isang fuel station somewhere in Quezon City or elsewhere.
Pero nagpasintabi siya kaagad, she’s not doing it as a publicity stunt.
Ayaw daw ni Kyline na isipin ng publiko na ginagamit niya ang sitwasyong kinapapalooban ng mga drayber.
“Ang pangit naman nu’n!” giit niya.
Hindi na raw bago sa kanya ang paggawa ng charity work, lalo tuwing kaarawan niya.
Hindi raw kasi niya nakasanayang mag-celebrate ng birthday.
Totoong affected daw si Kyline ng energy crisis, so she prefers to stay home na lang daw.
Hindi nga lang tinumbok ni Kyline kung sa paanong paraan niya matutulungan ang mga jeepney driver.
Idedestino ba niya ang kanyang sarili sa gasolinahan at sasagutin ang pampa-gas ng mga ito?
O magbibigay na lang siya ng certain amount as “gas allowance”?
Ano ba kasing ambag ang naiisip mo, Kyline?

Share.
Exit mobile version