Ibinunyag ni Kyline Alcantara na naging biktima siya ng online scam matapos niyang mabuksan ang isang link na ipinadala sa pamamagitan ng text message at email.
Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda,” ikinuwento ng aktres na nakatanggap siya ng mensaheng nagsasabing may problema umano sa kanyang bank account at kailangan niyang i-click ang isang link para maayos ito.
“Meron pong email and text message na may link po. Ang nakalagay po sa text message is parang may problema daw po sa aking banko, so click this link para maayos,” kuwento ni Kyline.
Pagkatapos buksan ang link, napansin niyang nabawasan na ang laman ng kanyang bank account.
Hindi man niya sinabi ang eksaktong halaga, inamin niyang malaking pera ang nawala at nakalaan sana iyon sa pagbabayad ng kanyang kuryente.
“Malaki po! Diyos ko, pang-kuryente ko po ‘yon, eh,” aniya.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
