Parang prinsesa ang trato kay Kiray Celis ng kanyang asawang si Stephan Estopia at aminado mismo ang aktres na ramdam na ramdam niya ito sa kanilang married life.
Ikinuwento ni Kiray na halos walang adjustment sa kanya ang paglipat mula single life patungong may asawa dahil best friend na rin ang turing niya kay Stephan.
“Single to married? Hindi. Parang bestfriend ko kasi ‘yung asawa ko. So wala namang adjustment. Tsaka mahal na mahal siya ng family ko talaga. Siguro pinagkaiba lang, ngayon magkasama kami sa bahay everyday. Pero kasi, siguro ‘di ba po, noong bata kasi ako, laging nandiyan sina Mama saka sina Papa nag-aalaga sa akin, alalay. Parang hindi nawala si Mama at si Papa, kasi ganun siya (Stephan) sa akin,” kwento ng aktres sa isang panayam.
Araw-araw silang magkasama at hands-on pa umano ang mister sa kanyang negosyo at content creation.
Sa katunayan, todo-alalay si Stephan—mula sa pagvi-video ng kanyang content hanggang sa pagtulong sa kanyang online business—kaya naman proud si Kiray sa effort ng asawa.
Dahil dito, pabirong sinabi ng aktres na mas higit pa raw siya sa isang “Disney Princess.”
Aniya, hindi siya katulad ng mga prinsesang gumagawa ng gawaing bahay, dahil aminado siyang mas inaalagaan siya ng kanyang mister.
“Hindi! Sabi n’yo, Disney princess ako? Mas malala pa ako sa Disney princess! Kasi ‘yung Disney Princess, nagluluto ‘yun, e, ‘di ba naglilinis. Si Cinderella, masipag ‘yun. Hindi ako ganun, e,” sey pa nito.

Share.
Exit mobile version