Nakakaloka ang mga pagbabanta ng ibang faney kay Kim Chiu, ha! Malala na ang takbo ng utak nila.
Aba, para bang ang laki-laki ng kasalanan ni Kim sa kanila, para makapag-isip sila ng ganun.
Yes, nakakaalarma na nga ang mga death threat kay Kim ngayon, na hindi mo nga alam kung ano ang pinag-ugatan.
Kumalat nga ang mga chika na kesyo may faney na nagtatanong kung saan sa Binondo si Kim, dahil parang ang sarap nga raw papuntahan sa mga mamamatay tao, ha!
Kaloka, di ba? Na kahit pabiro lang ang chika na `yon, maling-mali pa rin!
Kaya naman nanawagan na ang mga KimPaulandia sa mga nangangalaga ng career ni Kim, na dapat ay aksyonan na ang bagay na ito, dahil hindi na nga biro.
“Calling Star Magic, someone give a comment nagbanta na ipapapatay at papatayin si Kim Chiu. Deserve nito na masampolan. Umabot na sa death threat, ha!” chika ng isang faney.
“Malala na ang taong `yan. Nag-comment ako sa kanya at matapang pa siya, na kesyo pati raw si Paulo Avelino damay rin.”
“Baka naman pwedeng paki-trace na ang babaeng `yan, o kung sino man `yan. Hindi na maganda ang pinagsasabi niya. Hindi na ‘yan basta-basta bashing lang, dahil death threat na `yan!”
“Kahit anong inis o galit ko sa isang artista, hindi ako aabot sa ganiyan. Pero itong taong ito, hanggang buto ang kasamaan ng ugali.”
“Deserve ng mga taong `yan ang masampolan talaga. Sana makasuhan sila.”
“Napaka-demonyo ng ugali niyan. May karma lahat ‘yan!”
Well, nag-aalala nga ang mga faney ngayon ni Kim, dahil masyado nga raw accommodating ang idol nila, na baka wala itong kamalay-malay na ang isang taong lalapit sa kanya para kunwari ay magpa-selfie, ay may iba na palang pakay!
Eh, lalo raw ngayon na palaging nasa labas si Kim dahil sa shooting ng movie nila ni Paulo, ang ‘A Perfect Marriage’, ha!

Share.
Exit mobile version