Dalawang Koreano na nagtatrabaho bilang POGO worker ang naaresto kasunod ng isang buy-bust operation sa Clark Freeport Zone, Pampanga, bago magmadaling araw nitong Martes, Oktubre 6, 2026.
Kinilala ng PDEA ang mga naarestong suspek na sina alyas Jung, 38 taong gulang; at alyas Hyun, 31 taong gulang.
Ayon sa nakalap na ulat, halos ay limang buwan at isang taon na sina Jung at Hyun na namamalagi sa bansa
Nakumpiska ang operating team sa mga suspek ang humigit-kumulang 200 gramo ng ketamine (nagkakahalaga ng P1,000,000), isang mobile phone, at ang marked money na buy-bust.
Ipinahayag ng PDEA na ang operasyon ay nag-ugat sa tip ng isang confidential informant.
Ang mga nakumpiskang substance ay isusumite sa PDEA Region 3 Laboratory para sa forensic examination at confirmation.
Ang operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng magkasanib na puwersa ng PDEA Region 3 Special Enforcement Team (RSET), PDEA Pampanga Provincial Office, at ng Mabalacat City Police Station.
Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Pagbebenta ng Mapanganib na Droga), kaugnay ng Section 26(B) (Conspiracy to Sell), Article II, ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Danilo Gravador)

