Nagsimula nang magparamdam si Ken Chan sa Facebook.
Patunay lang ito na balik-sirkulasyon siya kahit man lang sa social media.
Sunud-sunod kasi ang mga posts ng dating Kapuso actor sa FB.
April 18, 2025 pa ang huling post ni Ken–but days ago lang ay nag-resurface siya.
Una niyang post was a video clip of his 2018 series My Special Tatay.
This was followed by another video clip, also from the same TV series.
Sinundan ito ng simpleng post ng waving hand which came several hours ago.
Pruweba ito na napapansin si Ken–bubulaga na kaya siya anytime soon?
Updated na rin ang kanyang cover photo sa FB.
Hindi kaya willing na si Ken na i-settle na ang kanyang pagkakautang sa mga umano’y in-estafa niya?
At kung pag-aayos ng problema ang pagpaparamdam niya, kasama kaya dito ang pagbabalik-showbiz?
Trending
- Cebu, Zambo lifters kuminang sa World Youth Championships
- Noskova kampeon sa Wimbledon
- Jasmine, sinabihang laos
- Ken Chan, nagparamdam na
- Regine, nagpaliwanag sa libreng last major concert
- Pantabangan muling lumutang nang matuyot ang dam
- Pulis sugatan sa ambush; trike driver nadamay, patay
- Ex-OWWA chief Ignacio, kinasuhan sa P1.4B land deal
