Inanunsyo ng World Health Organization nitong Biyernes, Abril 24 na nagbigay ito ng prequalification approval sa isang malaria treatment para sa mga bagong silang na sanggol sa kauna-unahang pagkakataon.
Ang Artemether-lumefantrine ay ang unang antimalarial formulation na naka-disenyo para sa pinakabatang mga biktima ng mosquito-borne disease.
“The prequalification designation indicates that the medicine meets international standards of quality, safety and efficacy,” saad sa pahayag ng WHO.
Hanggang sa ngayon, ang mga sanggol ay ginagamot ng mga formulation na para sa malalaki nang bata na nagdadala ng panganib sa dosage errors, side effect at toxicity.
“For centuries, malaria has stolen children from their parents, and health, wealth and hope from communities,” ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.
“But today, the story is changing. New vaccines, diagnostic tests, next-generation mosquito nets and effective medicines, including those adapted for the youngest, are helping to turn the tide.
Ending malaria in our lifetime is no longer a dream — it is a real possibility, but only with sustained political and financial commitment. Now we can. Now we must.”
Noong 2024, tinatayang 282 milyong malaria cases ang naitala at 610,000 ang nasawi dahil dito sa 80 bansa.
Mula sa Africa ang 95 porsyenteo ng mga kaso at nasawi kung saan karamihan ay mga bata edad lima pababa.
Trending
- BAGETS BASTED, NAG-SUICIDE
- CYBERCRIME:15 ARESTADO
- POLITIKA DI MASIKMURA, BINOE LALAYAS SA PINAS
- Lakers, pinadapa ang Rockets sa overtime, 112-108
- Alex Eala, Zeynep Zonmez lusot na sa unang round
- Mark, inamin hiwalay at balikan nilang mag-asawa
- Maymay, in-unfollow sina Donny at Kyle!
- Chie, balik sa pagiging hubadera?
