Pinahintulutan ng Vatican ang mga Katoliko na tumanggap ng organ transplants mula sa hayop, at muling iginiit na wala itong hadlang sa pananampalataya basta’t sinusunod ang etikal at medikal na pamantayan.
Sa isang 88-pahinang dokumento, sinabi ng Vatican na maaaring gamitin ang organs, tissues, o cells mula sa hayop para sa transplantation kung hindi pinapahirapan ang mga ito at sumusunod sa wastong proseso ng medisina.
“Catholic theology does not have preclusions, on a religious or ritual basis, in using any animal as a source of organs, tissues or cells for transplantation to human beings,” ayon sa dokumento.
Saklaw nito ang xenotransplantation o paglilipat ng organ mula sa isang species patungo sa iba, na unang pinahintulutan ng Vatican noong 2001.
Hinimok din ng Vatican ang mga siyentipiko na tiyaking ang mga ganitong proseso ay “purposeful, proportionate and sustainable,” at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay-alam sa mga pasyente hinggil sa mga panganib tulad ng organ rejection at posibleng impeksyon.
Bagama’t nananatiling bihira ang animal-to-human transplants, patuloy ang pag-unlad nito, kabilang ang unang pig-to-human kidney transplant na isinagawa sa Estados Unidos noong 2024.
Trending
- Ginebra isang panalo na lamang para makapasok sa finals
- Eala may wild card sa Homburg Open
- Richard Gutierrez, Gerald Anderson tumitindi ang hidwaan
- Vice Ganda namigay ng kare-kare sa mga street sweeper
- John Lloyd Cruz ipinaranas sa anak na si Elias ang simpleng pamumuhay
- Libreng board, bar exam sa qualified indigents, inihain
- MRT-7, ‘di mababawasan ng estasyon
- Pinakamahabang araw mararanasan sa Hunyo 21 – PAGASA

