Sa thread, may isang katekaterang nag-ispluk na spotted recently si Kathryn Bernardo sa Tagaytay.
Naibahagi rin niya ang diumano’y pang-uurot sa aktres ng isang correspondent sa random interview tungkol sa gulong nangyayari sa bansa kasama na ang mala-teleseryeng drama sa Senado.
Sey umano ni reporter: “What can you say about the chaos that the Philippines- your country- has been facing right now, especially in the government?”
Magalang naman daw na nagpaunlak si Kathryn pero nanatili itong apolitical.
“Uhm… I do not like politics. You may be pink, yellow or DDS, let’s keep my personal life the way it was-apolitical.
“Respect for everyone regardless of political stance,” tugon ni Kathryn.
Ito naman ang ilang reaksyon ng kibitzers.
“Dati na naman siyang apolitical.”
“Playing safe ba siya dahil ang dyowa niya ay pulitiko.”
“She could have used her platform to be relevant.”
“Di ba dati naman siyang pinklawan. She supported Leni before.”
“Let’s respect her decision kung ayaw niyang sumawsaw sa politics. It’s her choice.”
“Baka nga naman maapektuhan ang endorsements niya.”
“Keber lang sa drama sa Senado.”
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
