Muling naging laman ng usapan sa social media sina Kathryn Bernardo at Mayor Mark Alcala matapos kumalat ang espekulasyong umano’y nagwakas na ang kanilang relasyon.
Nagsimula ang hinala ng ilang netizens dahil matagal-tagal na rin umanong walang nakikitang public sightings ng dalawa.
May ilan ding nag-uugnay sa lumalakas na chemistry nina Kathryn at James Reid sa kanilang bagong proyekto, dahilan para muling umasa ang ilang fans na baka mauwi ito sa totoong pag-iibigan.
Pero ayon sa mga taong malalapit sa aktres, walang katotohanan ang mga kumakalat na tsika.
Anila, going strong pa rin ang relasyon nina Kathryn at Mayor Mark at kapwa lamang abala ang dalawa sa kani-kanilang trabaho at responsibilidad.
Sa kabila ng mga intriga, sinasabing masaya at nakatutok lang si Kathryn sa kanyang career at personal na buhay, at mas pinipili na lamang niyang huwag patulan ang mga walang basehang espekulasyon.

Share.
Exit mobile version