Nanawagan ang World Health Organization (WHO) ng mas pinaigting na aksyon laban sa tuberculosis (TB) sa Western Pacific Region, sa gitna ng patuloy na milyon-milyong kaso ng sakit.
Sa paggunita ng World Tuberculosis Day 2026, hinikayat ng WHO ang mga bansa na palakasin ang primary health care, palawakin ang access sa diagnostics, at ilapit ang mga serbisyo sa komunidad.
Ayon kay Dr. Huong Tran, “WHO calls on governments, health workers, civil society and communities to sustain political commitment, empower health workers, combat stigma and ensure essential TB services remain accessible and resilient.”
Batay sa datos, tinatayang 2.9 milyong katao ang apektado ng TB sa rehiyon noong 2024, kabilang ang Pilipinas, Indonesia, at China sa mga bansang may pinakamataas na kaso.
Giit ni Dr. Saia Ma’u Piukala, “Ending TB in the Western Pacific Region is achievable – if we transform care, decentralize services, and act with ever greater urgency.”
“Bringing TB services closer to communities and rapidly expanding access to new diagnostic tools, in an environment free of stigma, are essential to reaching everyone in need,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ng WHO na mahalaga ang pagsasama ng TB services sa primary health care upang mapabilis ang diagnosis at maiwasan ang pagkalat ng sakit, lalo na sa mga bulnerableng sektor. Kabilang sa itinutulak ang paggamit ng mga bagong molecular tests para sa mas mabilis at mas tumpak na pagtukoy ng TB, kabilang ang drug-resistant cases.
Gayunman, nananatiling banta ang kakulangan sa pondo, paninigarilyo, malnutrisyon, pag-inom ng alak, diabetes, at iba pang prayoridad sa kalusugan.
Ayon sa WHO, ang pamumuhunan sa TB programs ay may malaking balik, kung saan bawat dolyar ay maaaring magbunga ng hanggang $43 sa benepisyong pangkalusugan at ekonomiya.

Share.