Makahulugan ang resbak post ni Ellen Adarna sa isang netizen tungkol sa nalalapit niyang civil status.
Hindi kasi nagustuhan ng netizen ang pagpapaka-fangirl ni Ellen kay Jerry Yan ng F4.
”’Di ba, may asawa ka pa?” seryosong pagpatol ng netizen.
“….gurl, you need to heal…don’t get lost any further, nakadalawang panganay ka na!”
‘Di ba naman, napaka-self-righteous ng dating?
Still, pinag-aksayahan siya ni Ellen ng panahon.
Hirit niya: “‘Di mo alam kung anong feeling ng isang fangirl!..”
Hindi dito nagtapos ang pagpatol ni Ellen as her next line was even more telling.
“Ma-unmarried na rin ako in time, wait ka lang. Tigilan mo na. Gamit na gamit na si Jesus sa mga taong tulad mo. Pangit mo ka-bonding!”
Teka, nag-conclude tuloy ang mga netizens sa tinuran ni Ellen.
Kung magiging unmarried na siya in time, ibig sabihi’y malapit nang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Derek Ramsay.
Will Ellen soon be back to being single?
Eh, ano naman kaya ang “take” dito ni Derek?
Isn’t it strange he’s the last to know?
=====
Trending
- Alex Eala haharapin ang tagahanga sa July 15
- Ateneo itinangging empleyado si Baldwin
- “SIGABO” SINITA NG MTRCB
- Kasal ni Ellen kay Derek, malapit nang ma-annul
- Juday gaganap bilang si Nora Aunor
- Komunikasyon palalakasin sa website ng CBCP
- Higit 70 baboy sa Baguio nagpositibo sa ASF
- Inisyatiba sa civil registration pinalawig
