Natuklasan sa isang pag-aaral na karamihan sa mga PhilHealth employees na nagtrabaho mula sa bahay noong COVID-19 pandemic ay nakaranas ng moderate stress, habang halos kalahati naman ang nag-ulat ng mild anxiety symptoms.
Isinagawa ang pag-aaral nina Dr. Myra D. Oruga ng University of the Philippines Open University (UPOU), Jessica Mae D. Viray-Inciong ng PhilHealth, at Dr. Laili Rahayuwati ng Universitas Padjadjaran.
Gumamit ang mga mananaliksik ng survey sa 173 empleyado mula sa 11 opisina ng PhilHealth sa Metro Manila, na pinili mula sa 257 remote workers. Karamihan sa mga kalahok ay mga may-asawa, kababaihan sa kanilang 30s, at nasa entry-level o casual positions.
Gumamit ang pag-aaral ng Perceived Stress Scale (PSS-10) at Generalized Anxiety Disorder Assessment (GAD-7) para sukatin ang stress at anxiety.
Lumalabas na 96.32% ng respondents ang may moderate stress, habang maliit na bilang lamang ang may high stress levels.
Sa anxiety naman, 49.69% ang may mild symptoms, 40.49% ang may kaunti o walang anxiety, at iilan lamang ang nasa moderate hanggang severe range.
Ayon sa mga mananaliksik, karaniwan ang moderate stress sa mga government workers dahil sa “workload pressures and institutional expectations.”
Walang nakitang malinaw na ugnayan ang stress at anxiety sa mga personal na katangian tulad ng edad, kasarian, o marital status, kaya mas malaki raw ang epekto ng kondisyon sa trabaho.
Kabilang sa mga sanhi ng stress ang mabigat na workload, teknikal na problema, at hirap sa paghihiwalay ng trabaho at personal na buhay habang work-from-home.
Rekomendasyon ng pag-aaral ang mas malinaw na komunikasyon, mas maayos na access sa teknolohiya, at mas matibay na virtual support system sa mga organisasyon upang mapagaan ang stress ng mga empleyado.
Trending
- Dimples, nakabalik na from Spain, walang chicka sa Bea-Vincent wedding
- Rita, pabor na ‘di tumakbo si Leni sa pagka-pangulo
- Awra, rumesbak sa professor
- NASCAR Cup Series champion Kylie Busch pumanaw na sa edad 41
- Eala vs Iva Jovic
- Isa sa mga TBM ng Metro Manila Subway Project bumiyahe na
- Higit 4,600 bagong kaso ng HIV, naitala
- Reporma sa basic education, isinusulong ng DepEd
