Ayon sa Social Weather Stations (SWS), 50% ng mga adult Filipino ang nagsabing bumaba ang kanilang kalidad ng buhay kumpara sa nakaraang 12 buwan, batay sa survey na isinagawa noong March 24–31, 2026 at inilabas noong April 23.
Sa resulta, 23% ang nagsabing gumanda ang buhay (“gainers”), 26% ang walang pagbabago (“unchanged”), at 50% ang lumala (“losers”). Dahil dito, ang net gainers score ay -26, na itinuring na “low” ng SWS.
Ayon sa SWS classification, ang net gainers ay mula “excellent” (+20 pataas) hanggang “catastrophic” (-50 pababa). Ang -26 ay 19 points na mas mababa kaysa -7 noong November 2025, at pinakamababa sa loob ng mahigit apat na taon mula -44 noong September 2021.
Mas mababa ang score sa lahat ng rehiyon: Metro Manila at Mindanao (-31), Visayas (-25), at Balance Luzon (-23). Bumaba rin sa urban at rural areas, at sa parehong kalalakihan at kababaihan.
Ayon sa SWS, “The March 2026 Net Gainers score of -26 is the lowest in over four years, since the extremely low -44 in September 2021.”
Isinagawa ang survey sa 1,500 adults sa buong bansa mula March 24–31, 2026, na may margin of error na ±3% sa national results.
Trending

