Umapela sa publiko si Solomon Okereke, malapit na kaibigan ng pumanaw na atletang si Divine Adili, na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon at AI-generated image bilang respeto sa nagdadalamhating pamilya.
Sa panayam ng Bilyonaryo News Channel, naging emosyonal si Okereke habang nakikiusap sa mga netizen na huwag nang gatungan ang mga maling naratibo tungkol sa pagpanaw ng kanyang kaibigan.
“I still want to still plead for those that are pushing wrong narrative to please, I am begging all of you, please. At this time, we just want to mourn Divine peacefully. So please, if you’re pushing any narrative… creating AI-generated pictures to push false narrative, I want to plead with you, please,” pahayag ni Okereke.
“To everyone, please don’t push negative narrative. Anything you’re not sure of, any information that you’re not sure of, please don’t just post or don’t just talk about it. Just respect the dead. So that’s all I want to plead,” dagdag pa niya.
Ngayong Linggo, Hunyo 21 ang huling araw ng burol ni Adili at nakatakda nang ibiyahe pabalik sa Nigeria ang mga labi niya.
Trending
- Spain, tinambakan ang Saudi Arabia, 4-0
- Kaibigan ni Divine Adili nakiusap na itigil pagpapakalat ng fake news, AI images
- BINI, JK, Vice, pasok sa partial list of winners ng 17th Star Awards for Music!
- Coco Martin nilaplap nang husto Julia Montes
- Angeline, college graduate na
- Kampo ni VP Sara itinangging kinopya witness list ng prosekusyon
- Simulation activities ng automated election system para sa BPE, isasagawa ng Comelec
- ICC, binalaan mga abogado vs media comments sa Duterte case
