Inireklamo ni Juliana Parizcova ang isang lalaking nangako ng peke palang trabaho sa ibang bansa.
Dumulog ang first ever Miss Q & A grandwinner sa Wanted sa Radyo para papanagutin ang suspek na nagngangalang Art Halili Jr.
Ayon kay Juliana, inalok siyang mag-host ni Art sa Japan at US pero kailangan muna niyang abonohan ang pambayad sa visa at iba pang fees.
Nangako namang ibabalik ang kanyang inabono sa araw ng contract signing.
Bukod dito’y babayaran siya ng 50% downpayment.
Naghinala man, nagbayad daw si Juliana ng P87k.
Kamukat-mukat mo, wala palang nag-e-exist na hosting gig sa mga nasabing bansa.
Ang ibinayad niyang P87k ay nakalaan sana para sa kidney operation ng kanyang ina.
Makaraang i-post ni Juliana sa social media ang sinapit, nagsilabasan ang iba pang mga biniktima ni Art.
Nangako naman ang Wanted sa Radyo na tutulungan nito si Juliana para maibalik sa kanya ang natangay na pera.
Posibleng maharap sa kasong estafa ang suspek.

Share.