Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee ang tungkol sa upcoming passion project na gagawin niya.
Ito ay isang biopic at tribute sa namayapang director at kapwa National Artist na si Ishmael Bernal.
Tatalakay ang biopic tungkol sa buhay at sining ni Ishma at ng mga importanteng taong tumatak sa karera ng respetadong filmmaker.
Sa cast, kasama si Judy Ann Santos bilang Nora Aunor samantalang ang talentado at award-winning actor na si Jericho Rosales ang magbibigay-buhay sa papel ni Bernal.
Nagbabalik naman sa pag-arte si Atom Araullo pagkatapos ng “Citizen Jake” para gampanan ang role ni Spanky Manikan.
Ang kaibigan at paboritong aktres ni Ishma na si Rita Gomez ay ipo-portray naman ni Iza Calzado samantalang ang papel ni Bernardo Bernardo ay nakatoka kay John “Sweet” Lapus.
=====
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
