Dalawang batikang direktor ang humahanga sa husay sa pagganap ni JM Ibarra. Ito ay sina Direk Joel Lamangan at Direk Joey Reyes.
Sa guesting kasi nila sa Fast Talk with Boy Abunda ay natanong sila ng King of Talk kung sino para sa kanila ang standout sa mga batang artista ngayon.
Sagot ni Direk Joey, “JM Ibarra. Napanood ko siya sa ‘Child No. 82’ sa Cinemalaya, at saka napanood ko siya sa ‘Almost Us’ na dinirek ni Dan Villegas.
“Kung babalik ako sa pelikula at may gagawin akong pelikula, sana mabigyan ako ng pagkakataon na i-direk si JM Ibarra.”
Sabi naman ni Direk Joel, “Napanood ko rin ang batang ‘yan. Napakahusay niya. Gusto kong ma-direk din siya.”
Siguradong proud kay JM ang kanyang ka-loveteam na si Fyang Smith dahil dalawang mahuhusay na direktor ang humahanga sa galing niya sa pag-arte.
====
Trending
- Eala pinataob si Oliynykova; Top 15 target
- Lanao del Norte magho-host ng unang Mindanao Youth Games
- Catriona, may advice sa pagmu-move on!
- Archie, hinampas ng tumbler ang misis!
- Sarah G, buntis na!
- Sasakyang gumamit ng EDSA Busway, pag-aari ng Torre
- Jinggoy tumangging maghain ng plea sa plunder, graft
- WALANG PASOK SA ISKUL SA NCR AT 16 PROBINSIYA
