Tumangging maghain ng plea si Senador Jinggoy Estrada sa P573 milyon na kasong plunder at graft laban sa kanya.

Kaugnay ito ng umano’y pagkakasangkot ni Estrada sa maanomalyang flood control projects.

Dahil dito, ang Sandiganbayan Fifth Division ang nagpasok ng not guilty plea para sa senador nitong Huwebes, Setyembre 3.

Dumating si Estrada sa korte na saklay matapos magtamo umano ng punit sa kaliwang tuhod.

Nakakulong siya kaugnay ng alegasyong tumanggap ng kickback mula sa mga flood control project.

 

====

Share.
Exit mobile version