Nagdagdag ng panibagong international recognition si Jericho Rosales matapos niyang maiuwi ang Best Actor award sa 3rd Annual Manila International Film Festival na ginanap sa Los Angeles, California nitong Linggo.
Kinilala ng MIFF ang pagganap ni Jericho sa pelikulang “Quezon,” na naging bahagi ng kompetisyon sa naturang film festival.
Kasama ng aktor sa Los Angeles ang girlfriend niyang si Janine Gutierrez, na naging saksi rin sa kanyang pagkapanalo.
Dahil dito, may mga faney na pabirong tinawag na lucky charm ni Jericho ang aktres.
Bukod sa pagiging kasama ni Jericho, may sarili ring dahilan si Janine para dumalo sa MIFF.
Siya ang tumanggap ng parangal para sa kanyang mga yumaong lola na sina Nora Aunor at Pilita Corrales.
Samantala, naging sentro rin ng atensyon ng fans ang mga ganap nina Jericho at Janine habang nasa Amerika.
Kapansin-pansin umano ang pagiging sweet ng magkasintahan sa kanilang mga eksena at naging komento ng kanilang mga tagasuporta ang saya nilang makita na magkasama.
====
Trending
- 2 menor de edad sugatan sa bakbakan sa Maguindanao del Sur
- Estudyante patay nang 2 beses masagasaan ng motorsiklo
- Transgender pinaghubad ng bra sa iskul
- Dyip tumagilid sa Maynila: 1 patay, 8 sugatan
- 4 NPA patay sa engkuentro
- Pinas, pinakamabilis umunlad na bansa sa PISA
- ‘Unified PWD ID System,’ kasado na!
- Baguio City, gold award sa ASEAN Smoke-Free Awards; Pasig bronze
