Nali-link ngayon ang aktor na si Jeric Gonzales sa isang umano’y 50-anyos na babae.
Malayo raw ang edad ng bagong girl kumpara sa ex ni Jeric na si dating Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, dahil tinatayang nasa 17 taon ang gap nito sa aktor.
Ipinakita sa show ang isang video kung saan kumakanta si Jeric habang nasa likod ang dimano’y’ naturang babae na nakahawak sa balikat ng aktor at may eksena ring nakahawak sa mukha nito.
Tanong tuloy ng mga host: Eksena lang ba ito sa pelikula, prank o baka naman nanay niya?
Gayunpaman, walang nakikitang masama ang mga host kung totoong may relasyon ang dalawa dahil noon pa man ay naugnay na rin si Jeric sa mas may edad na aktres na si Sheryl Cruz.
Ayon kay Castro, “Bigyan natin ng benefit of the doubt” dahil basta’t walang natatapakan, tunay na age doesn’t matter at love wins.
Bukas ang Abante para sa paglilinaw ng aktor.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
