Dahil sa kanyang biro tungkol kay Jimmy Bondoc, nakatanggap ng death threats si Janus del Prado.
May kinalaman ‘yon sa pag-take ng Bar exams.
Biro ng aktor: “Huwag kayong kabahan. Si Jimmy Bondoc nga, nakapasa, eh!”
As we all know, isa nang full-fledged lawyer ang singer.
Janus’ posted comment elicited varied reactions from the netizens.
Isa rito ang ibinahaging mensahe ni Janus mula sa dummy account na naglalaman ng threat ng pakikipagharap sa kanya.
Ayon sa mensahe sa aktor: “Ano gusto mo, giyera ng bala? Sabihin mo, puntahan kami. Tapang mo boy!”
Inasar pa ito ni Janus, tiyakin daw nitong may dala itong baril at hindi lang bala.
Lalo pang nang-asar si Janus kung marami daw bang abogado ang nasaktan: “Did I hit a nerve?”
Pinagtawanan din niya ang mga nagsasabing “papansin” siya at attention-seeker.
Hirit pa ni Janus: “Di ba, madalas pa kayo sa socmed kesa sa courtroom?”
He also questioned some judges’ double standard as far as expressing opinions is concerned.
At the same time, nagpasalamat ang aktor sa mga kaibigang lawyers na nakakaintindi ng kanyang biro: “Jokes are jokes kahit may halong criticism ‘yan!”
=====
Trending
- Eala nanatili sa No.18, Rybakina bagong WTA No. 1
- Carlos Yulo magpapatayo ng gym para sa batang gymnasts
- ‘Untold truths’ sa panganganak ni Alex, alamin!
- Janus, may death threat
- Misis ni Archie, may nakitang droga
- Baha, plano ng DPWH gawing recycled water source sa Rizal Park
- Kongreso hinimok ng SC, magpasa na ng batas vs political dynasty
- Nat’l ID gagamitin sa age verification sa socmed

