Kumpirmadong sasabak ang Filipino-German beauty queen na si Imelda Schweighart sa kauna-unahang Miss Grand International (MGI) All Stars edition.
Sa anunsyo ng MGI organization sa Facebook nitong Lunes, kabilang si Imelda sa mga kinatawan ng Pilipinas para sa prestihiyosong kompetisyon.
Inilarawan ng MGI si Imelda bilang “a legendary multi-hyphenate and a true icon of her generation,” kasabay ng pagbibigay-diin sa kanyang malawak na karanasan sa industriya.
Ayon sa organisasyon, nakuha ni Imelda ang kanyang unang national crown sa edad na 15 at nakilala bilang aktres na nakasama ang ilan sa mga prominenteng artista noong 2010s.
Bukod dito, isa rin siyang singer-songwriter, music producer, at negosyante.
“Her journey is defined by resilience, individuality, and authenticity,” ayon pa sa MGI.
Ang paglahok ni Imelda sa MGI All Stars ay kasunod ng mga pangyayari sa Miss Universe Philippines (MUPH) kung saan may isang kandidatang tinanggal sa 2026 competition matapos ang review sa kanyang partisipasyon.
Bagama’t hindi pinangalanan ang nasabing kandidato, nag-post si Imelda—na kumatawan sa Kalibo, Aklan—ng isang cryptic message sa Instagram.
“Where do we go from here?” saad niya sa kanyang post noong Marso 29.
Sa hiwalay na post, nagpasalamat din siya sa kanyang mga supporters.
“To everyone sending strength and standing by the truth: I see you. Your support is the wind beneath my wings,” aniya.
Makakasama ni Imelda sa MGI All Stars ang iba pang Pinay candidates na sina Gazini Ganados, Keylyn Trajano, Alexia Núñez, at Fuschia Anne Ravena.
Ang nasabing kompetisyon ay bukas para sa mga kababaihan at trans women na may edad 20 hanggang 40 na nakasali na sa international pageants ngunit hindi pa nakakapag-uwi ng korona.
Trending
- Mag-utol na Carlos, Karl Yulo magkakasama sa 2028 LA Olympics
- Biado, Centeno, Amit nanatili sa title hunts
- Niño Muhlach, nagkagusto kay Janice De Belen
- Imelda Schweighart aariba sa MGI All Stars
- Kim Chiu nag-aral sa Paris, business skills pinatalas
- PNP naglunsad ng crackdown vs ‘fixer’ ng ayuda
- PNP, pinaigting kampanya vs ilegal na kalakalan ng petrolyo
- Portable swimming pool at tent bawal sa kalsada sa Maynila
