Inilunsad na  ng Department of Health (DOH) ang pagsisimula ng pagbabakuna sa mga bata laban sa Tigdas at Rubella sa buong bansa.
Sa abiso ng DOH, ang aktibidad na may temang “Ligtas Tigdas: Handa, BakunaDOH, ProtektadoDOH” ay isasagawa dakong alas 9 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon sa Muntinlupa Sports Complex, Muntinlupa City.
Tampok sa aktibidad ang pangako mula sa mga katuwang o partners sa pagappahayag ng suporta ng DOH, local government units at development partners para sa bakuna kontra Tigdas at Rubella.
Magkakaroon ng simbolikong pagtuturok para ilunsad ang libreng pagbabakuna.
Maglalagay din ng mga booth na magpapaliwanag ng kahalagaan ng bakuna, vaccine safety at tamang impormasyon.
Ayon sa DOH, mahalaga ang pagpapabakuna laban sa Tigdas at Rubella dahil lubhang nakakahawang viral disease na maaring magdulot ng malubhang komplikasyon tulad ng pneumonia, encephalitis, severe diarrhea, pagkabulag, at maging kamatayan — lalo na sa mga batang wala pang 5 taong gulang.
Kahit may ligtas at epektibong bakuna, nagpapatuloy pa rin ang outbreaks sa mga komunidad na mababa ang immunization coverage o maraming batang hindi nabakunahan sa routine schedule.
Dahil dito, ilulunsad ng Department of Health (DOH), katuwang ang mga lokal na pamahalaan at development partners, ang ‘Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA)’ sa buong bansa.
Ito ang “Ligtas Tigdas” campaign na naglalayong pabilisin ang pagtaas ng proteksyon ng mga batang edad 6–59 months sa pamamagitan ng libreng bakuna sa health centers, schools, at temporary vaccination sites.
Ang ‘LIGTAS TIGDAS: HANDA, BakunaDOH, ProtektaDOH Kick-Off’ ang opisyal na pagsisimula ng pinaigting na information drive at community mobilization.
Binibigyang-diin nito ang paghahanda, tiwala sa bakuna, at sama-samang responsibilidad para maiwasan ang measles outbreaks at maprotektahan ang bawat batang Pilipino.

Share.