Nasabat ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang nasa mahigit P30-Milyon halaga ng Ketamine Drugs sa isang shipment na itinago sa isang cable spool na dumating sa naturang paliparan.
Sa ulat, nakatanggap umano ng intelligence report ang mga awtoridad hinggil sa nasabing shipment mula sa bansang Netherlands na dumating sa Port of Clark nitong nakaraang March 31, 2026.
Sa inspeksiyon, tumambad sa mga awtoridad ang umano’y anim (6) na transparent plastic pouch na isiniksik sa isang solar cable pool.
Sa ginawang eksaminasyon sa mga nakuhang kontrabando, nagpositibo ang ito na Ketamine drugs.
Nagsasagawa na nang backtracking ang mga awtoridad para sa posibleng pagsasampa ng mga kaukulang kaso at pag-aresto laban sa consignee ng kontrabando kaugnay sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Dangerous Drug Law.
