May kinapuntahan ang kinita ng mga painting ni Heart Evangelista–sa mga bata.
Naging benepisaryo nga ang mga batang may thalassemia— isang genetic blood disorder na nangangailangan ng panghabambuhay na blood transfussion.
Ani Heart: “It’s very meaningful to me to be able to share my presence and help in any way I can. Nandito lang kami para sa inyo!”
Since she was 21, Heart has been supporting kids with the said blood disorder.
Samantala, kumbaga sa pelikula’y blockbuster ang ginanap na closet party ni Heart sa Quezon City.
Masuwerte ang mga early comers dahil nakapamili sila ng magagandang items sa murang halaga.
Halimbawa na lang ang mga branded stuff priced at P1k, P2k at iba na almost P100 lang!
As comeon, inirampa ng global icon ang kanyang outfit at shoes na nagsilbing “side show” ng event.
Heart describes her stuff as “pieces which hold meaning” na sana daw ay mahalin din ng mga bagong gagamit at magsusuot.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
