Naglabas ng precautionary hold departure order ang Sandiganbayan Sixth Division nitong Abril a-beinte siete laban kay Senador Francis “Chiz” Escudero at negosyanteng si Maynard Ngu.
Ang utos ay nagbabawal sa kanila na makalabas ng bansa habang inihahanda ng Ombudsman ang mga kasong plunder, graft, at indirect bribery kaugnay ng kontrobersyal na flood control projects.
Ayon sa mga dokumento, si Escudero umano ay tumanggap ng “cut” mula sa proyekto na ipinadaan umano kay Ngu bilang campaign donor at negosyanteng konektado sa Cherry Mobile.
Mariin namang itinanggi ng senador at ni Ngu ang akusasyon, tinawag itong “malisyoso at walang basehan.”
Ang hakbang na ito ay kasunod ng naunang HDO laban kay dating Speaker Martin Romualdez, na ayon sa ilang ulat ay “handa nang magsalita” habang papalapit ang pagsasampa ng plunder cases ngayong Mayo.
Nakikita ang HDO bilang senyales ng mas malalim na paglilitis sa malakihang katiwalian.
Naniniwala ang ilan na isang klase ng political persecution lamang ang nangyayari.
May nagsasabi na ang sitwasyon ay mistulang telenobela na may pamagat na : “Flood Control Scandal: HDO Grand Slam — Romualdez, Escudero, Ngu… lahat bawal lumabas!”
Trending
- HDO GRAND SLAM : ROMUALDEZ, ESCUDERO, NGU BAWAL SA ABROAD
- BAGETS BASTED, NAG-SUICIDE
- CYBERCRIME:15 ARESTADO
- POLITIKA DI MASIKMURA, BINOE LALAYAS SA PINAS
- Lakers, pinadapa ang Rockets sa overtime, 112-108
- Alex Eala, Zeynep Zonmez lusot na sa unang round
- Mark, inamin hiwalay at balikan nilang mag-asawa
- Maymay, in-unfollow sina Donny at Kyle!

