Bumaba ang buying power ng piso sa nakalipas na walong taon dahil sa tumataas na inflation.
Ngayong Martes, Abril 7, iniulat ng Philippine Statistics Authority ang pinakamabilis na inflation sa loob ng 20 buwan para sa buwan ng Marso.
Sa press briefing, sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang halaga ng P1 sa base year na 2018 ay katumbas na lamang ngayon ng 75 sentimo, as of March 2026.
Nangangahulugan ito na ang halaga ng P1,000 walong taon ang nakalilipas ay bumaba sa P750.
“The purchasing power of the Philippine peso is inversely related to inflation rate,” ani Mapa.
“When inflation increase, the purchasing power of the peso decreases,” dagdag pa niya.
Ang purchasing power ng Philippine peso ay kinakalkula bilang 1 divided by consumer price index, multiplied by 100.

Share.