Iginiit ni dating security aide Orly Guteza na hindi lamang umano pangako ng pera ang nagtulak sa kanya upang magbigay ng maling testimonya kaugnay ng sinasabing paghahatid ng mga maleta ng pera kay dating House Speaker Martin Romualdez, kundi pati takot at pangamba.
Binawi ni Guteza nitong Miyerkules ang nauna niyang affidavit kung saan sinabi niyang kabilang siya sa mga naghatid umano ng cash-filled suitcases sa bahay ni Romualdez sa Forbes Park.
Sa bago niyang affidavit, itinuro ni Guteza sina Sen. Rodante Marcoleta at dating kongresista Mike Defensor na umano’y nasa likod ng pagpapagawa sa kanya ng maling salaysay at nangako umano ng kapalit.
“Dala ng takot at pangamba,” ani Guteza, sabay paglilinaw na wala umano siyang naging direktang kontak o nakita si Romualdez sa tinukoy na address sa Forbes Park.
Sinabi rin niyang pinagsisisihan niya ang pagkakasangkot sa kontrobersya at nais na lamang niyang magkaroon ng tahimik na buhay para sa kanyang pamilya.
Hindi lamang si Guteza ang bumawi sa naunang mga alegasyon. Apat pang lalaki na dating nag-uugnay kay Romualdez at iba pang personalidad sa kontrobersya sa flood control projects ang umatras din sa kanilang mga pahayag.
Gayunman, sinabi ng Office of the Ombudsman nitong Huwebes na hindi nakasalalay sa testimonya ni Guteza lamang ang imbestigasyon at mayroon pa itong 28 testigo na sinasabing may direktang at mahalagang impormasyon kaugnay ng mga transaksyong iniimbestigahan.
====
Trending
- Eala sasabak sa US Open
- Yulo brothers handa na para sa Asian Games sa Nagoya
- Edward Barber engaged na
- Bela Padilla tikom bibig sa isyung alitan kay Kim Chiu, Angelica Panganiban
- ‘DOTA O Ako’ singer Vanessa Blanca nasawi sa aksidente
- Rep. Cendaña target kasuhan gumawa, nagpakalat ng mapanlait na caricature
- 88 lugar isinailalim sa state of calamity sa Habagat, Luis at Maymay
- Bagong schedule ng impeachment trial, aprub sa Senado
