Pumanaw na sa edad na 30 ang singer na si Vanessa Blanca, na nakilala bilang female vocalist sa 2010s hit na “DOTA O Ako.”

Kinumpirma ng kanyang pinsang si Ivy ang malungkot na balita sa isang Facebook post noong Miyerkoles, Agosto 19, kung saan sinabi nitong nasawi si Vanessa matapos ang isang aksidente sa condominium kung saan ito nanunuluyan sa Maynila.

“To our dear friends, relatives, and everyone who knew and loved Vanessa,

It is with the heaviest heart that I share the heartbreaking news of the passing of my beloved first cousin and little sister, Vanessa Blanca Quillo Rangadhol, who tragically passed away today, August 19, 2026, following an accident at the condominium where she was staying in Manila,” saad ni Ivy.

Mas lalong mabigat umano ang pagkawala ni Vanessa para sa kanilang pamilya dahil nag-iisang anak na babae ito ng kanyang inang si Anabella.

“She was not only my cousin, but also someone I cherished and considered my little sister,” dagdag ni Ivy.

Humiling din ang pamilya ng panahon, espasyo at privacy habang nagluluksa sa pagpanaw ng singer.

“Rest peacefully, my dear Wani You were deeply loved, and you will forever be remembered and missed,” pagtatapos ng kanyang post.

Hindi pa inilalabas ng pamilya ang detalye ng wake at funeral arrangements ni Vanessa.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang kanyang mga tagahanga at kaibigan sa industriya, kabilang ang songwriter at rapper na si Aikee, na kanyang nakasama sa original version ng “DOTA O Ako.”
====

Share.
Exit mobile version