Sa wakas, Jake Cuenca kicked his long-time habit–pag-inom.
Mind you, he’s saying it finality.
Sumumpa pa nga ang aktor na: “I will never ever drink again!”
Dala raw ng depression kung bakit aminado si Jake na minsan isang panahon ay naging alipin siya ng alak.
The road to quitting it wasn’t at all easy.
Kung sa unang taon pala daw mula nang mag-quit ay posibleng malabo niya itong malampasan.
Pero dumaan ang sumunod na taon ay napagtiisan niya.
And now he’s on this third year ay masasabi ni Jake with conviction na hindi na siya babalik sa alcoholism.
Naging mahirap lang daw ito sa umpisa noong dumarating ang mga problema sa buhay niya.
Now he can proudly say that he’s a changed man.
Samantala, Jake only has nice words for his co-star Baron Geisler in the movie The Delivery Rider.
Sa heavy, intense action scenes daw sila sumabak ng matagal na raw niyang kaibigang aktor.
Sa sobra ngang totoohanan ng kanilang pisikal na sakitan ay aakalain mong totoong magpapatayan sila.
Ninamnam daw nila ni Baron ang mga eksenang nagdulot sa kanila ng pasa sa kanilang mga katawan.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
