Dalawang miyembro ng fraternity na naghagis ng granada sa isang apartelle sa Caloocan ang patuloy na tinutugis ng otoridad ng lungdod Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth, ang mga suspek na sina; sina alyas “Tugu” at alyas “Bodoy Liit”, 26, matapos positibong kinilalanin ng nakasaksi na kawani ng Fhiolan Apartelle na nasa kanto ng M.H. Del Pilar at 2nd Avenue, Brgy. 120.
Sa ulat na tinanggap ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, mula kay police chief Col.Jory Goforth alas-2:30 ng madaling araw nang dumating ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo at inihagis ang dalang granada sa parking lot na malapit sa harap ng apartelle bago mabilis na tumakas.
Tinamaan ng sharpnel ang daliri sa kaliwang kamay ng kaherang si alyas “Bhesy” na isinigod kaagad sa pagamutan habang apat na nakaparadang sasakyan din sa parking lot ang nahagip ng sharpnel.
Bago ang insidente, napagalaman na pinagbabato muna ng bote ng mga suspek ang apartelle kayat inatasan ng may-ari nito na si alyas “Aniceto” ang mga kawani na maging mapagbantay.
Napag-alaman ng pulisya na “frat war” ang motibo sa insidente dahil miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity si alyas Aniceto habang sa kalabang Magic 5 Fraternity ang dalawang suspek.
Ayon sa pulisya, noong nakaraang buwan ay pinagbabato rin ng bote ng mga suspek ang firetruck na pag-aari ni alyas Aniceto sa J. Theodoro St. Brgy. 120. (Roger Panizal)
Trending
- 2 𝐏𝐀𝐓𝐀𝐘, 2 B 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐓𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐃𝐒𝐋𝐈𝐃𝐄 𝐒𝐀 𝐒𝐔𝐁𝐈𝐂
- 2 TULAY SA TARLAC GUMUHO; SUV NAHULOG : APAT NA PASAHERO MISSING
- Kelot binoga, todas
- P8 bilyong pinsala, ulan patuloy
- Ipo Dam, Bustos Dam nagpakawala nang sabay
- FRATERNITY : HAGIS NG GRANADA
- Mas mataas na kita, mas malawak na access sa merkado para sa mga egg producer
- Suporta sa mga batang nasasangkot sa armadong tunggalian
