Kasalukuyang ibinebenta online ang bahay na dating pag-aari ni Pilita Corrales.
Sa isang Facebook listing, nakalahad na rush sale ang two-storey house sa halagang P24 milyon.
Matatagpuan ito sa Jackielou Ville, BF Homes, Parañaque City at may malawak na lote at kumpletong pasilidad.
Kabilang sa pasilidad ang apat na kuwarto, apat na bathroom, home office, driver’s at maid’s quarters, garahe para sa apat na sasakyan, at sariling solar heater at water tank and motor.
Nakasaad din sa listing na ang property ay “semi-furnished” at “solid, high quality construction” na may 350 sqm floor area at 180 sqm sa second floor, na may laking 446 sqm.
Puwede naman umano ang public viewing at tanging direct buyer lang ang bibili ng bahay, at hindi dadaan sa agent.
Matatandaang pumanaw si Asia’s Queen of Songs Pilita noong Abril 2025.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
