Matapos ang makapangyarihang panalo ni Alex Eala laban kay Mary Stoiana ng United States sa unang round, muling susubok ang Filipina tennis star sa mas mabigat na hamon mamayang gabi, Huwebes, Setyembre Tres sa ikalawang round ng US Open.

 Katapat niya ang Ukrainian na si Oleksandra Oliynykova, na tinalo si Reese Brantmeier sa kanilang pagbubukas na laban.

Si Eala ay  WTA Number Eighteen at Number Seventeen seed   na may matinding momentum   matapos maaangkin ang unang WTA title sa Washington at magandang kampanya sa Wimbledon.

Kilala siya sa agresibong estilo sa hard court.

 Samantala, si Oliynykova  ay WTA Number Forty Six pero may kumpiyansa rin, lalo’t siya ang nakalalamang sa kanilang head‑to‑head matapos talunin si Eala sa Strasbourg Open noong Mayo.

Kung matatalo niya si Oleksandra Oliynykova sa ikalawang round, tataas ang kanyang puntos ngunit mananatili pa rin siya sa Number Sixteen  live ranking.

Dinadaig pa ni Eala ang mga showbiz star dahil sa pinakahuling ulat, lumobo nang  one-hundred-thirty-two percent  ang presyo ng tiket.

Isa itong  kamang-manghang  daymensiyon nang biglaang pagsikat tulad ng isang superstar!

Ang kanyang pambihirang  appeal ay hindi na lamang nakatali sa resulta ng tennis—bagkus ay nabubuo ang isang napapanahong   global sensation  na nagpapalutang ng kanyang personalidad at nagpapaangat sa kanyang bansa—Pilipinas!

Share.
Exit mobile version