Pansamantalang nakalaya si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Junior matapos maglagak ng isang milyong pisong piyansa sa Sandiganbayan Third Division nitong Biyernes, Hulyo Trentay Uno, Dosmil Beinte Sais. Kinumpirma ng clerk of court na si Dennis Pulma ang pag-apruba sa kanyang bail application, dahilan upang makalabas siya mula sa kustodiya ng korte.

Bago makuha ang kanyang kalayaan, dumalo si Revilla sa korte bilang bahagi ng proseso. Pagkatapos ng promulgasyon ng resolusyon, agad siyang nagpasalamat sa pamamagitan ng isang Facebook post na may maikling mensahe: “Thank you Lord.”

Ang kaso ay kaugnay ng umano’y ghost flood control project sa bayan ng Pandi, Bulacan na nagkakahalaga ng Ninety Two Million and eight hundred thousand pesos , kung saan nahaharap siya sa malversation at graft charges.

Bagama’t non-bailable ang naturang kaso, pinayagan ng korte ang piyansa matapos makita na hindi matibay ang ebidensya ng prosekusyon laban sa kanya.

Mariin namang itinanggi ni Revilla ang anumang kaugnayan sa naturang proyekto.

Sa ngayon, pansamantala siyang malaya habang nagpapatuloy ang paglilitis sa Sandiganbayan.

Share.
Exit mobile version