Balik-serbisyo publiko  ang alamat na si Manny Pacquiao matapos siyang italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior  bilang lead convenor ng National Anti-Poverty Commission  na may ranggong Kalihim ng Gabinete. 
Pinalitan ni Pacquiao si Lope Santos ,The Third, na nagsilbi sa posisyon mula pa noong Twenty Twenty Three.
Si Marcos ang tagapangulo ng komisyon, habang si Pacquiao ang mamumuno sa NAPC Secretariat.
Ang pagtatalaga kay Pacquiao ay kasunod ng Executive Order na naglipat ng pangangasiwa sa NAPC at sa Presidential Commission for the Urban Poor ( mula sa Department of Social Welfare and Development  patungo sa Office of the President.
Samantala, nananatiling hiwalay ang posisyon ni Pacquiao  kay Kalihim Larry Gadon, na nagsisilbing presidential adviser para sa poverty alleviation.
Si Pacquiao ay kinikilala bilang isa sa pinakadakilang boksingero sa kasaysayan, at ang tanging eight-division world champion. 
Nagsilbi rin siya bilang kongresista ng Sarangani at senador. Tumakbo siya sa  presidential elections ngunit natalo kay Marcos.
Share.
Exit mobile version