Hinatulang makulong ng 100 taon na pagkakakulong si dating Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chairman Efraim Genuino at apat na iba pang opisyal ng ahensiya.
May kaugnayan ang kaso sa umano’y hindi tamang paggamit ng P50.05 milyon na pondo ng ahensiya.
Sa 257 pahina na desisyon ng Sandiganbayan Third Division, napatunayan nila na si Genuino, Philippine Charity Sweepstakes Office president and chief operating officer Rafael Francisco, datomg senior vice president for administration Rene Figueroa, dating SVP for corporate communications services Edward King at dating assistant vice president for the internal audit Valente Custodio na guilty sa five counts ng paglabag sa Anti-Graft and Corruption Practices Act.
Na-convict ang mga akusado ng limang counts ng malversation of public funds sa ilalim ng Article 217 ng Revised Penal Code.
Magugunitang napatunayan ng Office of the Ombudsman na nagsabwatan ang nasabing mga opisyal para iligal na magasto ang P50.05 milyon na pondo ng PCSO mula 2005 hanggang 2008.
Trending
- San Beda Red Lions player JV Gallego pumanaw na
- Alex Eala makakatambal muli si Venus Williams
- Rommel to the rescue kay Robin, binarag si Angel!
- Awra, nagpa-rhinoplasty, bet magmukhang Latina!
- Gwendoline Meliz Soriano : Binibining Pilipinas International 2026
- Marcoleta, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
- Pulis sa ‘mistaken identity’ na- inquest proceedings
- 4 PH-registered vessel nakalabas na sa Hormuz

