Sino’ng hindi makakalimot kay Katherine Luna?
The lead star in the indie film Ang Babae sa Breakwater, si Katherine ay ang ex-girlfriend ni Coco Martin na tinulungan nito sa pagpapaopera ng mata.
Sa muling pagkakataon, ipinasok ng multi-slashie actor ang mahusay na aktres sa Sigabo.
Post niya: “Thank you, direk cm and ms julia!
“Napakabuti n’yo sa akin!”
Inaasahang sa partisipasyon ni Katherine sa serye, kahit paano’y makakaalwan-alwan na siya sa buhay.
Now with a regular source of income, harinawa’y makaipon na ang aktres–higit lalo ang patuloy pang pagtalikod sa paggamit ng “alam na.”
Hindi sa pagsisipsip kay Katherine, ilan lang silang masasabing de-kalibreng aktres–nagpabaya lang siya sa kanyang career noon.
But everything’s water under the bridge now.

Share.
Exit mobile version