Natagpuang walang buhay ang isang 24-anyos na lalaking estudyante sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa parking area ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Barangay Burol Main, Dasmariñas City, Cavite.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Dasmariñas City Polic, 9:40 Miyerkules ng gabi nang matuklasan ng kaniyang tiyahin ang estudyante matapos nitong hanapin ang biktima na hindi pa umuuwi.

Ayon sa pulisya, ginamit umano ng tiyahin ang GPS device na nakakabit sa susi ng sasakyan upang matukoy ang lokasyon nito at doon niya nalaman na nasa loob pa rin ng school parking area ang sasakyan.

Nang puntahan ang lugar, natagpuan ang estudyante sa backseat ng sasakyan.

Sa pagsisiyasat natuklasan na nababalot ng plastic ang mukha nito at may lubid na plastic din na nakapulupot sa leeg nito.

Isinailalim sa imbestigasyon ng pulisya ang insidente, kabilang ang pagproseso ng crime scene ng forensic group, pakikipanayam sa mga posibleng saksi at paghiling ng awtopsiya upang matukoy ang eksaktong sanhi at paraan ng pagkamatay.

Ayon naman sa isang kaanak, may iniindang mental health problem ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri ng mga awtoridad.
Nino forwarded a message
Fruit vendor nanalisi ng cellphone sa isang clinic sa Pasig

Pinaghahanap ng awtoridad ang isang fruit vendor na tumangay ng cellphone ng isang medical staff sa isang health clinic sa Barangay San Miguel, Pasig City nitong Sabado, Setyembre 26.

Sa CCTV sapul ang pagpasok ng lalaki sa loob ng clinic bitbit ang kanyang mga panindang prutas.

Napatingin pa siya sa CCTV at nagmasid sa paligid bago tuluyang kinuha ang nakitang cellphone.

Dali-dali niya itong itinago sa ilalim ng kanyang paninda at mabilis na umalis.

Ayon sa liason officer ng clinic, bago makapasok sa doctor’s clinic ang lalaki ay nag-alok muna ito ng prutas sa nakapilang pasyente sa waiting area at isa pang staff.

Pagma-may-ari ng medical staff ang tinangay na cellphone na nagkakahalaga ng P13,000. Ginagamit din ang cellphone sa operasyon ng clinic.

“Nagtatrabaho nang patas yung staff namin. Solo rin sa buhay yun, single mom. Nag-o-online selling din yung tao, extra-extra niya. Paano pa siya maka-extra? Wala na,” sabi ng may-ari ng clinic.

“Sinabihan ko sila lahat na wag kampante lalo na yang mga ganyang cellphone mainit sa mata. Kasi hindi mo alam sino nagpapanggap na pasyente o nagpapanggap lang na vendor tapos kawatan pala,” dagdag pa ng clinic owner.

Ayon sa barangay, posibleng dayo ang lalaki dahil hindi ito pamilyar sa kanila.

Naka-alerto na sa barangay at pulisya ang mukha ng lalaki na nasapul sa CCTV at agad huhulihin kapag naabutan sa lansangan.(Nino Aclan)

Share.
Exit mobile version