Direkta nang pinabulaanan ni Senador Erwin Tulfo ang mga espekulasyon hinggil sa posibleng pagtakbo niya sa pagka-bise presidente sa darating na halalan sa taong 2028.
“No!” ang mariing sagot ni Tulfo nang tanungin sa programang “The Spokes” ng Bilyonaryo News Channel kung tatakbo siyang bise presidente.
Ito’y matapos lumabas ang ilang survey na nag-uugnay sa kanya sa iba’t ibang senaryo para sa pambansang eleksiyon, kabilang na ang umuugong na tambalan umano nila ni dating Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Tulfo, ang mga ganitong uri ng espekulasyon ang malamang na naging mitsa ng sunod-sunod na banat laban sa kanya.
Gayunpaman, iginiit niya na kuntento siya sa kanyang kasalukuyang tungkulin sa Senado.

Share.