Espesyal ang naging pagdalo ni Angeline Quinto sa “Heroes of Home” event ng Swiss Proli matapos siyang parangalan bilang isa sa mga modern-day moms na hinahangaan dahil sa kanyang dedikasyon bilang ina.
Ipinagmalaki mismo ng businesswoman-philanthropist na si Pinky Tobiano ang pagiging hands-on mom ni Angeline, na kabilang sa mga inang binigyang-pugay kasama ang iba pang personalities mula sa iba’t ibang larangan, kabilang si Julia Montes.
Mas lalong nagningning ang event nang biritahan ni Angeline ang audience, na talagang napa-“More, more, more!” sa kanyang performance.
Pero ang mas ikinagulat ng marami ay ang biglaang pagsulpot ni Erik Santos sa naturang okasyon.
Ayon kay Erik, dumalo siya roon lalo na para suportahan si Angeline.
Proud din si Erik sa kaibigan dahil nakikita raw niya kung gaano ito ka-dedicated sa mga anak na sina Sylvio at Sylvia bilang isang hands-on mom.
Marami tuloy ang natuwa sa nananatiling matibay na friendship nina Erik at Angeline, lalo’t matagal na silang nauugnay noon romantically bago nauwi sa pagiging very close friends hanggang ngayon.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
