Inilabas sa social media ng aktor na si Enchong Dee ang matinding pagkadismaya sa airline na Air France matapos makaranas ng sunod-sunod na problema sa kanyang biyahe ngayong Abril 2026.
Sa kanyang Instagram Stories nitong April 13, nag-post ang aktor ng mga larawan niya mula sa loob ng paliparan upang isiwalat ang mga naging aberya sa kanyang flight.
“Air France is the new least favorite airline for me. Sobra akong excited kasi ang ganda sa social media but I had the WORST time,” ani Enchong.
Ilan sa mga reklamo ni Enchong ay hindi siya pinayagang makasakay sa flight patungong Madrid kahit may ticket na siya dahil ang visa raw niya ay France.
Binantaan din daw siyang ire-revoke ang kanyang Schengen visa ng hindi naman daw immigration officer kundi ground staff lamang ng Air France sa Bangkok.
Para raw sumunod sa rules, bumili siya ng bagong tiket para diretso siyang maka-landing sa London at makapunta sa Paris.
“Kasi baka tama naman sila. Sure, these things happen. It’s part of travelling. I’m chill. I went through my trip peacefully,” sey niya.
Pero hindi raw pala doon matatapos ang kalbaryo sa biyahe abroad ni Enchong dahil nalaman niyang blinock ang bagong tiket niya.
“Nag-online check in. I got my boarding pass from Madrid to Bangkok. When I got to the airport, I found out they blocked my ticket,” aniya.
Dahil dito, bumili na naman daw siya ulit ng bagong tiket pero this time sa bagong airline na, sa Etihad Airways pero hindi na siya nagsisi dahil sa magandang service nito.
Muli niyang pinatutsadahan ang Air France na aniya’y “racist”.
“Thank God nag-ceasefire sa war. I honestly enjoyed the food and comfortability of any Middle Eastern airline. @airfrance YOU SUCK!
“P.S. Business class service of Air France felt racist. Yes, I was the only Asian during that flight to London.”
Umani ng simpatiya si Enchong sa kanyang naranasan:
“Grabe ang gastos na nakailang booking si enchong.”
“WTH hindi ba alam ng airline staff na kahit France nag-issue ng visa ni Enchong, he can still use it to endear Madrid? Ang gastos. Sana ma-compensate si Enchong kasi ang hassle and gastos nung nangyari.”
“Yikes! Travelers worst nightmare!! Double pa gastos ni Enchong.”
Trending
- Pinas, magho-host ng 2026 Asia and Oceania Sambo Championships sa Hunyo
- Alex Eala, handa na para sa Madrid Open WTA 1000
- Enchong Dee ibinunyag masamang karanasan sa Air France
- Charlie Puth magko-concert sa ‘Pinas
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
- Crime gang leader todas sa engkuentro sa Isabela
- Lider ng Magsanoc group patay, 2 huli sa engkuentro
- 2 katao patay sa sumabog na acetylene tank
