Tinawanan ni Elisse Joson ang akusasyong kabit umano siya ng isang politiko.
Sa isang Instagram reel noong Miyerkoles, Hulyo 8, ibinahagi ni aktres ang ilang video mula sa kanyang horse-riding lesson kung saan makikitang sakay siya ng kabayo habang nagsasanay kasama ang kanyang trainer.
“oh what a memorable riding day with Luna girl 🐎,” caption ni Elisse sa post. “learned how to canter, had my first fall, and somehow left loving this sport even more.”
Ngunit sa comments section, may isang netizen na nag-akusa kay Elisse na “nangangabit” umano sa isang “politician” kaya nakakabili ng mga luho at madalas mag-flex online.
Hindi naman pinalampas ng aktres ang komento at sinagot ito ng: “haha not true 😂”
Sinuportahan din siya ng ilang faney sa replies sa naturang comment:
“ganyan nga elisse sagutin mo sila ,kasi nkakatawa na sila 😄”
“mayaman po yan sila, ang laki kaya ng mga lupain ng angkan nila dito sa Bataan”
“maglabas ka ng ebidensya baka sakali 😄 hilig gumawa ng kwento 😄”
Matatandaang sa pagsisimula ng taon ay una nang itinanggi ni Elisse sa isang TikTok video na naging kabit siya kailanman.
“Goodbye 2025 Time to clear the air- not a kabit. never was,” sey ni Elise sa text sa video.
====
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
