Engaged na ang Kapamilya actor at pastor in training na si Edward Barber sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Rikki, isang rebelasyong ikinagulat at ikinasaya ng kanyang mga faney.

Ibinahagi mismo ni Edward ang magandang balita habang nagsasalita sa kanilang simbahan, kung saan siya nagsisilbi bilang pastor in training.

Doon niya ikinuwento kung paano niya nakita ang kamay ng Diyos sa kanyang love life.

“From the last time I was here, I’m now in an awesome relationship… Don’t tell me that God is not real. I used to be the most single person in this place,” masayang pahayag ng aktor.

Naging mas espesyal ang kanyang kuwento nang ipakita niya sa presentation ang ilang larawan ni Rikki, na agad namang sinalubong ng palakpakan at kilig ng mga tao sa simbahan.

Ngunit hindi lang pala basta girlfriend ang ipinakilala ni Edward dahil diretsahan niyang ibinunyag na fiancé na niya ito.

“This is not the point of the sermon. I have a point for showing you all this. This is not just my girlfriend, this is my fiancée Rikki,” sey niya.

Sinundan pa niya ito ng mas nakakakilig na rebelasyon tungkol sa proposal niya.

“I proposed… Naunahan niyo ako, okay lang. I proposed to her so she’s now my fiancée,” aniya.

Ito ang unang pagkakataon na naging bukas si Edward tungkol sa kanyang relasyon kay Rikki, kaya naman marami sa kanyang followers ang nagulat sa biglaang engagement announcement.

Matatandaang matagal nang bukas si Edward tungkol sa kahalagahan ng kanyang pananampalataya at sa pangarap niyang maglingkod sa ministry bilang lay pastor.

“My dream job is in ministry, like my dream job is somebody who’s called a lay pastor. I really found what I believe I’m here on this Earth to do,” pahayag niya noon.

Para kay Edward, mas mahalaga ang kanyang calling kaysa sa dami ng proyektong magagawa niya sa showbiz.

“At the end of my life, I am not going to stand before God and be like, ‘Look at all the projects I did.’ He’s going to ask me: ‘What did you do?’ And I’m going to be like, ‘I serve You. I knew You,’” saad niya.
=====

Share.
Exit mobile version