Nakatutok ang Department of Trade and Industry (DTI) sa posibleng pagsipa ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan kasunod ng sunod-sunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong Setyembre.
Agad na inatasan ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque ang lahat ng kanilang tanggapan sa buong bansa na palawakin ang pagbabantay sa mga grocery, supermarket, at lokal na merkado upang maiwasan ang hindi makatwirang pagtaas ng presyo.
Tiniyak ng kalihim na magkakaroon ng regular at na-update na ulat ukol sa galaw ng presyo upang makatugon agad ang ahensya sa anumang pagbabago sa merkado.
Nagbabala rin ang DTI sa mga negosyante, pamilihan, at manufacturers na haharap sa mabigat na parusa ang sinumang manananamantala o magpapatupad ng artificial shortage at hindi makatwirang price hike.
Sa kabila ng banta, naniniwala ang DTI na hindi pa kailangang magpatupad ng price cap sa mga bilihin dahil nananatili pa namang kontrolado at manageable ang pangkalahatang sitwasyon.
Trending
- KORTE SUPREMA PABOR SA SENADO: 2/3 VOTE THRESHOLD
- Arquero naghari sa Masikhay Gambit Rapid Chess
- 3RD GOLD NG PINAS SINUNGKIT NI OBIENA; 18 MEDALS NA
- Kris Aquino, proud na proud sa bagong endorsement ni Bimby
- Nadine Lustre, pinatahimik ang buntis issue nang i-flex ang abs
- Anne Curtis itinangging ‘Salamat, Doc!’ ang ganda
- 𝐄𝐗𝐄𝐂. 𝐒𝐄𝐂. 𝐑𝐄𝐂𝐓𝐎, 𝐃𝐎𝐓𝐫 𝐈𝐍𝐒𝐏𝐄𝐂𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐄𝐒𝐒 𝐎𝐅 𝐍𝐒𝐂𝐑-𝐄𝐗 𝐂𝐋𝐀𝐑𝐊 𝐀𝐈𝐑𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
- Skechers, Maharlika nagkasundo sa Pickleball
