Nadiskubre ng Philippine National Police (PNP) ang clandestine drug laboratory sa isang liblib na isla sa Looc, Occidental Mindoro.
Ayon sa PNP, isinagawa ng mga tauhan ng Drug Enforcement Group ang operasyon sa Golo Island 3:00 ng hapon noong Martes nang makatanggap ng intelligence reports hinggil sa umano’y operasyon ng drug laboratory sa lugar.
Sa paunang imbestigasyon, nakarekober ang mga awtoridad ng ilang kemikal na ginagamit sa paggawa ng iligal na droga.
Gayunman, sinabi ng pulisya na sumasailalim pa sa forensic examination ang mga nakuhang substansiya habang patuloy na bineberipika ang pagkakakilanlan ng mga sangkot at lawak ng operasyon.
Nagsimula umano ang operasyon matapos magbigay ng impormasyon ang isang suspek na naunang naaresto sa Batangas hinggil sa pagkakaroon ng drug laboratory sa isla.
Bahagi ang Looc ng Lubang Island group sa hilagang-kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro kung saan limitado ang komunikasyon at kadalasang bangka lamang ang paraan ng transportasyon sa ilang barangay.
Ayon sa PNP, posibleng may paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaugnay ng paggawa ng iligal na droga at operasyon ng clandestine laboratories.
Iniutos na rin ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mas malalim na imbestigasyon upang matukoy at maaresto ang mga nasa likod ng operasyon.
Trending
- Mike Phillips, pumirma na sa Kyoto Hannaryz
- Pacquiao-Mayweather rematch record-breaking event pa rin
- Awra, nirampa na ang operaadang ilong
- Rhian, flinex ang tattoo sa puwet
- Richard at Barbie, aayuda sa Bicol
- Lacson umaray sa banat na nadobleng yaman
- ‘Forgiveness clause’ sa rape cases sa Penal Code, ipinatatanggal
- Beripikasyon ng DPWH sa Taguig, kinuwestiyon

